Police powers ni Mayor Guo, pinatatangal ng DILG

Nagbigay na ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsasagawa ng pagdinig sa tuluyang pagtatanggal ng kapangyarihan ni Mayor Alice Guo na pangasiwaan ang pulis sa kanyang bayan.

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos Jr., partikular sa binigyan niya ng direktiba ang NAPOLCOM para sa withdrawal ng deputization ng Alkalde.

Aniya isa ito sa kapangyarihan na pwedeng gawin ng NAPOLCOM.

Ayon kay Abalos, maaari umano itong ipatupad ngayong linggo.

Nauna nang inirekomenda ng DILG sa Ombudsman ang preventive suspension sa alkalde kasabay ng pagbuo Special Task Force sapagkat wala umanong kakayahan ang DILG upang tingnan ang umano’y kaugnayan niya sa POGO hub sa kanyang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *