SP Escudero, mas gustong gawing abot kaya at accessible ang annulment sa bansa

Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang kanyang personal na paninindigan sa kontrobersyal na absolute divorce bill, at sinabing mas gusto niyang palakasin ang umiiral na panukala sa annulment of marriage.

Ayon sa bagong halal na liderato ng Senado, ang mga talakayan tungkol sa diborsyo ay tiyak na magiging dahilan ng pagtatalo sa pagitan ng simbahan at ng estado.

Kaya para sa kanya, nais niyang pababain ang gastusin at mas maging accessible ang annulment sa bansa.

Sa kasalukuyan, nasa P180,000 hanggang P600,000 ang halaga ng annulment sa Pilipinas, depende sa lokasyon at indibidwal na mga kaso.

Sa ngayon, ang Pilipinas at Vatican City na lamang ang mga bansang walang legal na probisyon para sa diborsyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *