Paaralan prinayoridad na malagyan ng olyset net kontra dengue ng Naga City Sanitary Office

NAGA CITY – Prinayoridad ngayon ng Naga City Sanitary Office ang mga paaralan sa lungsod na malagyan ng mga olyset net o mosquito net laban sa mga lamok o dengue.

Sa panayam kay Abel Victor Tindugan, Chief Sanitation Inspector 3, ng opisina, sinabing kadalasan din kasing pinamumugaran ng mga lamok ay sa ilang bahagi ng mga paaralan lalo na sa mga sulok-sulok na nauna nang nalagyan ang ilang kinder classroom at ilan pa. Nilalagay ang naturang net na may chemical sa mga bintana na kapag dumikit roon, unti-unti silang pinapatay at naiiwasan nang makakagat pa.

Libo-libo araw-araw kung mangitlog ang mga lamok na nagdudulot ng dengue virus na delikado para kalusugan ng mga tao lalo na’t ngayong taon 59, 267 sa buwan ng Enero hanggang Mayo, na ang kaso sa Pilipinas ayon sa Department of Health mataas kumpara sa parehong peryodo noong 2023.

Ayon pa sa opisyal, mahalaga na may mga ganitong paraan kontra dengue at nakatakda pang lagyan ang iba pang paaralan maging ang ilang bahay na mangangailangan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *