Buhay at legasiya ni dating DILG Sec. Jesse Robredo, inalala sa Naga City kaugnay ng kanyang ika-66 birth anniversary

NAGA CITY – Inalala ng mga Nagueño ang 66th birth anniversary ni dating Naga City Mayor at DILG Secretary Jesse Manalastas Robredo ngayong araw kung saan naglaan ng selebrasyon at mga aktibidad ang lokal na gobyerno ng lungsod.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng Naga City kasama si 3rd District Representative Congressman Gabriel Bordado Jr at ilang mga kamag-anak ni Robredo. Sa mensahe ni Bordado, ikwinento niya kung gaano kabuti ang namayapang serbidor at kung paano nakilala si Robredo bilang isang matino at mahusay na public servant.

Nagbigay rin ng mensahe si Naga City Vice Mayor Nene De Asis bilang isang kaibigan at dating nakasama noon ni Robredo sa pagsisilbi sa lungsod.

Nakilala si Jesse Robredo bilang mapagpakumbabang lider na walang bahid ng korapsyon at pagkakaroon ng good governance kung saan pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga parangal noong siya ay nabubuhay pa. Samantala, hindi nasilayan sa nasabing pagtitipon ang kanyang may-bahay na si Former VP Atty. Leni Robredo dahil sa iba pang kaganapan kaugnay ng masteral graduation ng anak na si Tricia Robredo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *