Dismayado at hindi ikinatuwa ng pamilya ni dating Senate President Gil Puyat ang marketing campaign na pagpapalit ng street sign na Gil Puyat Avenue sa Gil Tulog Avenue.
Dahil dito, inireklamo ng pamilya ng yumaong mambabatas ang ad agency na nasa likod ng kontrobersyal na street signage sa Makati City.
Ayon sa anak ng yumaong mambabatas na si Victor Puyat, hindi nakipag ugnayan sa kanila ang ad agency at laking gulat nalang nila nang makita ang viral photos online.
Isa umano itong pang iinsulto at hindi pagrespeto sa kanyang yumaong ama na nagsilbi para sa bansa.
Napag-alaman rin ng pamilya Puyat na isa palang gimmick para sa isang medical product ang pagpapalit ng street sign.
Hiling nila sa masuspinde o tanggalin ang naturang ad agency sa Ad Standards Council.