SP-Catanduanes, maraming naging basehan bago ang desisyong ibasura ang moratorium na hiniling ng VIWAD

BNFM BICOL—Marami ang naging basehan ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes bago ito nag desisyong ibasura ang kahilingan ng Virac Water District na bigyan pa sila ng dalawang taong moratorium para mabayaran ang mahigit  P2.6 million na halaga ng franchise tax.

Ayon kay Provincial Committee on Ways and Means Chairman Raffy Zuniega, kasama sa mga pinagbasehan ng SP sakanilang desisyon ang position paper na hawak ng Provincial Treasurer’s Office; Local Finance Committee at maging ang naging desisyon ng supreme court.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Hindi aniya maaaring sisihin ng VIWAD ang SP dahil sumusunod lamang sila sa proseso na naka-angkla sa batas at hindi sa kanilang personal na interes.

Dagdag pa ng opisyal, ang pagsingil ng franchise tax sa mga water district sa bansa ay nakasaad sa Local Government Code of the Philippines at nakapasailalim din sa Revenue Code.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Taong 1991 nang unang beses na umanong bigyan ng 5 years moratorium ang VIWAD at hindi sila siningil ng franchise tax hanggang 1996.

Sa huli, isinuhestiyon ni Zuniega sa VIWAD na makiusap na lamang sa Provincial Treasurer’s Office na kung maaari ay utay-utayin ang pagbabayad ng kanilang franchise tax.  Huwag na rin aniya dapat itong ipasa sa mga consumers dahil lubha nang apektado ang mga ito ng pandemya.###