Sorsogon PPO, pumangalawa sa ‘Manhunt Charlie’ sa Bicol

SORSOGON CITY – Kabuuang 835 na indibidwal na may nakabinbin na warrant of arrests ang sa wakas ay nasa kustudiya na ng mga awtoridad at isinasailalim sa paglilitis bilang bahagi ng pinalakas na kampanya ng Manhunt Charlie ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO).

Sa tala ng Police Regional Office 5 (PRO5), nasa 5,311 na ang nasakote ng PNP-Bicol mula Enero 1 hanggang Nobyembre ng kasalukyang taon.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Nanguna dito ang Camarines Sur PPO na umabot sa 932 na wanted persons ang nahuli.

Pumangatlo sa Sorsogon PPO ang Albay PPO na may naitalang 785; Masbate PPO, 733; Camarines Norte PPO, 515; Catanduanes PPO, 393 at Naga City Police na may 207.

Ang mga wanted persons na ito ay naaresto dahil sa paggawa ng iba’t-ibang krimen.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Sa kabuuang bilang na 5,311 na naaresto, 15 dito ay regional most wanted o nasa regional level; 56 provincial level; 93 city level; 747 ang nasa municipal level habang 4,400 ang ikinukonsiderang ‘other wanted persons.’

Ang Manhunt Charlie ay ang ‘accounting’ ng mga wanted persons.

Ang most wanted person naman ay mga indibidwal na notorious, na ang pag-aresto ay inuuna at pinaka-hinahangad dahil magbibigay ito ng kaluwagan sa komunidad.