BSP dudang may ‘inside job’ sa BDO online hacking incident

Inatasan ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno ang Banco De Oro (BDO) na ibalik sa biktima ng online fraud ang perang nanakaw bago magpasko.

Ayon kay Diokno sisikapin umano nilang maihabol ang reimbursement bago pa ang Disyembre 25.

Read More:  Light Rail Manila Corp., clarifies water leak incident inside LRT-1 train

Sinabi naman ng BSP Governor na ang gusto naman nilang mangyari ngayon ay mahuli ang nasa likod ng hacking incident.

Duda naman si Diokno na posibleng mayroon inside job dahil sa lawak at sabay-sabay na naapektuhan.

Read More:  Atty. Poa ready to testify in Sara Duterte impeachment trial

Nabatid na inulan ng reklamo mula sa mga customer ang BDO dahil sa unauthorized withdrawals ng kanilang pera at nailipat sa isang ‘Mark Nagoyo’ account sa Union Bank of the Philippines (UBP).