NPC umalma sa paninisi ng banking community sa mga biktima ng cyber fraud

Umalma ang National Privacy Commission sa tila paninisi ng banking community sa mga biktima ng cyberfraud kung bakit ito nanakawan ng pera.

Ayon kay NPC head Raymund Liboro responsibilidad ng financial institutions na protektahan ang kanilang mga kliyente sa tinatawag na ‘potential risks’.

Read More:  Davao Region outpaces national economic growth at 5.1%

Ginawa ni Liboro ang pahayag matapos sabihin ng Bankers Association of the Philippines (BAP) na hindi umano magiging biktima ng cybercrime ang sinuman kung hindi ito magbibigay ng personal information sa ibang tao.

Read More:  Poa declines to confirm Ramil Madriaga as defense star witness

Sinabi ni Liboro na sana ay hindi ganito ang mindset ng buong banking system.

Giit ng NPC chair, dapat palakisin ng mga bangko ang kanilang cyber resilience sa halip na isisi ito sa kanilang mga kustomer.