Solon: Malalaking baranggay, dapat hatiin

Hiniling ni House Committee Senior Citizens chairperson Rodolfo Ordanes kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na biyakin ang mga malalaking barangay upang matiyak na maseserbisyuhan ng mga opisyal ang mga residente.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage


Ayon kay Rep. Ordanes, sa Metro Manila at mga highly urbanized cities ay dapat mayroong 5,000 populasyon samnatalang sa iba pang lugar ay hindi dapat bumababa sa 2,000 ang residente.

Sinabi pa ng mambabatas may mga barangay sa probinsya na triple ang populasyon sa itinakdang minimum.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Dagdag pa ni Ordanes, hindi nararamdaman ang serbisyo ng mga barangay officials dahil sa dami ng kanilang nasasakupan.