Kasong Illegal Discharge of Firearm at paglabag sa RA 10591 in Relation to COMELEC Resolution No. 10918 o gun ban ang kahaharapin ng isang lalaki matapos siyang magpaputok ng baril sa loob ng Kampo Crame kahapon ng hapon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo , ang suspek ay isang 50 anyos na residente ng Caniogan, Pasig City
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente ala-1:40 ng hapon kahapon. Sakay ng kanyang bisikleta ang suspek at pumasok sa Gate 2 ng Camp Crame.
Pagdating ng bulwagang Lapu Lapu, bumunot siya ng baril at nagpaputok. Agad itonga pumukaw sa atensyon ng mga bantay na pulis at agad siyang dinampot.
Base pa sa imbestigasyon, gusto raw iprotesta ng suspek ang diumano’y korapsyon sa eleksyon.
Nakumpiska mula sa kanya ang ang isang .22 cal revolver, mga bala at election fliers.
Dinala sa Forensic Group ang lalaki at isasailalim sa medical at drug examination.
Iniimbestigahan na rin kung papaaano nakapasok ang suspek gayung mahigpit ang seguridad sa loob ng Kampo.