Mga terminal sa Cubao, patuloy pa ring dinaragsa ng mga pasahero

Umabot na sa mahigit 6,000 mga pasahero ang dumagsa sa mga terminal sa Cubao, Quezon City kasabay ng unang araw ng long weekend.

Inaasahang madodoble o triple pa ang bilang ng pasahero ngayong araw.

Read More:  Nationwide firearms safety drive urged after Ateneo shooting

Ayon kay Raymond Transportation Terminal Master Elmer Canitan, posibleng tumagal pa hanggang Linggo ang buhos ng mga pasaherong pabalik ng kani-kanilang probinsya.

Sa dami ng bilang ng mga pasahero, ay sinisigurado ng mga pamunuan ng mga terminal na lahat ay maa-accomodate.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Sa kabila nito, wala namang naging problema o naitalang anumang aberya sa mga terminal simula kahapon hanggang ngayong araw.