Singil ng MERALCO – magtataas ngayong Mayo

ABISO SA MGA KONSYUMER NG MERALCO – asahan na ang taas-singil sa inyong May billing.

Kung may big-time rollback sa gasolina ngayong araw, price hike naman sa kuryente ang asahan sa katapusan.

Sa abiso ng MERALCO, may itataas na P0.46/kwh.

Ibig sabihin – kung ang inyong tahanan ay nakakonsumo ng 200kwh – may aasahan kayong dagdag na P92.

Mayroon namang nasa P139 na madaragdag kung nakakonsumo kayo ng 300kwh, at P185 kung may konsumo na 400kwh.

Ang taas-singil ng MERALCO ngayong Mayo ay bunsod ng pagtaas sa presyo ng kuryente sa spot market.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *