Olongapo ACCESS Program, inilunsad ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo

Inilunsad na ng Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo ang Adaptive and Comprehensive Community Employment and Social Support program or ACCESS.

Ito ay isang programa ng Pamahalaan na makapagbigay ng trabaho sa mga kwalipikadong Olongapeños sa pamamagitan ng Cash for Work.

Layunin ng Pamahalaan na makapagbigay ng Emergency Employment assistance para sa mga taga-Olongapo upang matulungan ang mga ito sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Ang paglulunsad ng proyekto ay isinagawa noong May 13, 2024 na dinaluhan ng mga posibleng benepisyaryo ng programa.

Isa sa mga programa na kabibilangan ng mga benepisyaryo ay ang SAGIP Kalikasan o ang Segregate All Garbage Intervention Program ng Pamahalaan.

Ang hakbang na ito ay para rin mamonitor kung sinusunod ng mga residente ng lugar ang tamang waste segregation.

Samantala, ang ACCESS Program ay sisimulan na ng Pamahalaan.// LESLEY DIZON – BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *