6-year term para sa barangay officials, isinusulong sa Kamara

Inihain na rin sa Kamara ang panukalang batas na nagpapalawig sa termino ng lahat ng halal na barangay officials sa bansa.

Batay sa House Bill 10346 na iniakda ni Misamis Oriental Second District Representative Bambi Emano, isinusulong na itakda na sa anim na taon ang termino ng elected barangay officials mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Aamiyendahan nito ang Local Government Code of 1991 kung saan masasakop sa bagong haba ng termino ang mga punong barangay, kagawad at Sangguniang Kabataan officials.

Pero nilinaw sa panukala na ang barangay officials ay pagbabawalang humawak ng parehong posisyon nang lampas sa dalawang magkasunod na termino.

Ipinaliwanag ni Emano na sa pagpapalawig ng termino ay masisiguro ang tuluy-tuloy na implementasyon ng development initiatives sa mga barangay gayundin ang katiyakan na matatapos ang mga proyekto, programa at patakaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *