Dating senate president Tito Sotto – kinwestyon ang pagpasa ng Kamara sa Divorce Bill

Naniniwala si former Senate president Vicente Sotto III na ang correction sa voting tally ng House of Representatives sa panukalang magpapatupad ng divorce sa bansa ay hindi legal.

Sa kanyang tweet sa X, kinwestyon ni Sotto ang anunsyo ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco na nagsasabing ang tama umanong vote count para sa House Bill (HB) No. 9349 o yung Absolute Divorce Act ay: 131 ang sumasang-ayon, 109 ang hindi, habang 20 naman ang nag-abstain.

Giit ng dating senate president, ano raw bang tawag kapag nai-report na ng parliamentary body ang mga boto sa plenaryo, tapos bigla rin itong babaguhin sa susunod na araw.

Sa huli, sinabi ni Sotto na dinadaya lang ng Kamara ang sarili nito.

Na-realize aniya ng mga Kongresista na tama siya sa kaniyang sinabi.

Mababatid na noong Miyerkules, nagpahayag ng pagkabahala si Sotto at sinabing naipasa ang Divorce bill nang walang sapat na boto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *