Nilinaw ni MILF AHJAG Chairman Anwar Alamada na ang nangyayaring labanan sa pagitan ng dalawang Moro Front sa Barangay Lagandang ng Isulan Sultan Kudarat Province ay hindi labanan ng organisasyon.
Sinabi ni Chairman Alamada na ang sigalot sa pagitan nina Commander Stallion ng MILF at Commander Mutin Ali ng MNLF ay pawang personal na alitan lamang.
Sa kasalukuyan umano ay patuloy ang ginagawang hakbang ng MILF at MNLF para mapahupa ang tensyon at magkaroon na rin ng dispute resolution sa pamamagitan ng PSRO-BARMM na kanya ring pinamumunuan para manumbalik ang maayos na pamumuhay ng mga residente.
Nagsimula ang labanan ng dalawa noon pang buwan ng Ramadan kung saan may mga napaulat na nasawi sa magkabilang panig. (Jom Dimapalao)