Sunog, sumiklab sa apat na establisyemento sa Pagbilao, Quezon

Tinupok ng apoy ang apat na establisyimento sa Barangay Sta. Catalina, Pagbilao, Quezon nitong Martes, Agosto 6.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena kay Fire Officer II Ronald Faller ng Bureau of Fire Protection Pagbilao, nagsimula ang sunog alas-5:10 ng umaga at fire under control ito nang alas-5:20 habang idineklarang fire out bandang alas-5:25 ng umaga.

Dagdag pa nito, sa inisyal na imbestigasyon, tinatayang ₱81,000 ang halaga ng pinsala ng naturang sunog at umabot ito sa 1st alarm.

Samantala, isa ang naitalang nasawi sa naturang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pinagmulan ng apoy.