Panghaharass sa DOS, may kaugnayan sa plebesito ayon sa PRO-BAR

Iniuugnay ng Police Regional Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa nalalapit na plebesito sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ang mga nangyaring panghaharass ng mga armado sa ilang barangay ng bayan.


Sinabi ito ni PRO-BAR Regional Director PBGen. Prexy Tanggawohan sa isinagawang Kapihan sa Bagong Pilipinas sa headquarters sa Parang Maguindanao del Norte.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust


Bilang tugon, nagdagdag ng kabuuang 86 PNP Personnel ang PRO-BAR mula sa Regional Mobile Force Battalion na itinaat naglagay na rin ng mga checkpoint sa mga barangay ng Dulangan, Mumpong, Linek, Tapian at Kusiong.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique


Mananatili ang mga ito hanggang sa mismong araw ng plebesito at tiniyak ng opisyal na kontrolado ng kapulisan kasama ang kasunduluahan ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan na rin sila sa CCCH para maaksyunan ang mga pangyayaring ito. (Jom Dimapalao)