Umabot na sa bilang 32 ang naitalang fatalities dahil sa epekto ng malawakang pag-ulan sanhi ng Shear Line sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), tinatayang 18 na naiulat na namatay sa Northern Mindanao, anim sa Bicol, apat sa Zamboanga, tatlo sa Eastern Visayas, at isa sa Caraga.
Bukod dito, 24 pa ang nawawala. Labing-isa rito ay mula sa Bicol at Eastern Visayas, at tig-isa naman mula sa Zamboanga at Northern Mindanao.
Samantala, hindi naman bababa sa 11 ang naiulat na injured ng NDRRMC.
Sa kabuoan, 486,485 na mga indibidwal o 124,853 na pamilya ang apektado ng malawakang pagbaha sa 864 na mga barangay sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Caraga, and Bangsamoro.
Umakyat na rin sa 4,068 ang bilang ng mga tahanang nawasak na nagkakahalga ng P41,846,000.
Tinatayang aabot na rin sa P51,550,000 ang pinsala sa imprastrakturya; habang 208,539,170 na ang pinsala sa agrikultura.// SMM
