Isang mambabatas mula sa ikatlong distrito ng Negros Oriental ang nakatanggap umano ng impormasyon na tatlong aktibong scout rangers ang ipinadala sa probinsiya para patayin siya at dalawa pang miyembro ng kanyang pamilya.
Sinabi ni Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na kasama siya sa mga target kanyang kapatid at dating Negros Oriental Gov. Henry Teves at ang kanyang anak at dating Board Member na si Kurt Matthew Teves.
Sinabi ni Teves na nag-record siya ng video message sa kanyang Facebook page para ipaalam kay Pangulong Ferdinand Marcos jr., Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. at Secretary Roman Felix ng Office of the Presidential Adviser on Military Affairs na nakatanggap siya ng “A1 information” ng planong pagpatay.
Ang impormasyong natanggap ni Teves ay nakatanggap ang tatlong scout rangers ng tig-P250,000 bilang paunang bayad at “pinangako sila ng P40 milyon para sa tatlong ulo.
Sinabi naman ni Maj. Gen. Benedict Arevalo, ang commander ng 3rd Infantry Division , na wala siyang natanggap na anumang impormasyon sa mga claim ni Teves ngunit titingnan o iimbestigahan niya ang bagay na ito
