CAMARINES NORTE- Hindi umano itinigil ng Deparment of Health (DOH) ang mga serbisyo nitong ibinibigay sa mga kabataan kahit sa gitna ng pandemya.
Ito ang inihayag ni Adolescent Health and Development Program Coordinator Maria June Robles ng DOH Bicol sa isinagawang Media Dialogue nitong Martes kaugnay sa pagdiriwang ng National Adolescent Month.
Ayon kay Robles, tuloy ang mga serbisyong kanilang ibinibigay lalo na ang limang priority programs tulad ng Adolescent reproductive health, HIV Aids, Immunization, Mental health at Nutrition.
Sa Adolescent reproductive health, nakapaloob ang programa patungkol sa family planning services for adolescent mothers at iba pang essential health services, comprehensive sexuality education at reproductive and health rights.
Sa HIV/Aids ay may programa para sa screening and counseling. Testing and antiretroviral treatment ai ba pang available services.
Pagdating naman sa immunization ay hindi umano nawala ang Measles, Rubella, Tetanus and Diphtheria (MRTd) vaccine na ibinibigay sa lahat ng babae at lalake sa Grade 1 at Grade 7.
Para naman sa Grade 4, edad 9- 10 taong gulang ay ang Human Papillomavirus.
Sa Mental Health ay nariyan umano ang Psyco- social support, counseling, management of mental health concerns and referral at iba pa.
Mayroon ding programa para sa nutrisyon ng mga kabataan lalo na para sa mga pregnant at lactating adolescents.
“Nagkaroon man po tayo ng COVID ngayon it does not necessarily mean ang lahat ng mga services natin sa adolescent or any health services natin for that matter ay natigil po,” ani Robles

