Dalawa sa tatlong spring sources ng CNWD malapit nang umabot sa critical level

CAMARINES NORTE- Malapit nang umabot sa critical level ang dalawa sa tatlong spring sources ng Camarines Norte Water District (CNWD) dahil sa mahabang panahon ng tag init na nararanasan ngayon sa lalawigan.

Sa impormasyon mula kay Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda, aminado itong sa ngayon ay nararamdaman na ang pagbaba ng lebel ng spring sources.

Batay ito sa Spring Sources Data na ibinahagi ni Muroda sa Brigada News FM Daet as of Aug 10, 2021.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sinasabing nasa critical level na kapag nagsimula nang bumaba ng sagad ang water level.

Sa ngayon ay malapit nang umabot sa critical level ang Boroboro na nasa 36 cm na o mataas na lang ng kaunti sa 32 cm na critical level.

Gayundin ang Banban na nasa 14 cm na o kaunti na lang din sa 12 cm na critical level.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Habang ang Alinao naman ay malayo- layo pa sa 50 cm critical level dahil nasa 73 cm pa ito ngayon.

Ayon kay Muroda naka- activate na ang back up deepwells sa Lugui at sa susunod na buwan ay may aasahan umanong augmentation mula sa Alawihao source.