Senate probe kaugnay sa mga nawawalang sabungero, posibleng simulan sa susunod na linggo

Balak ng Senado na magsagawa ng motu propio investigation sa susunod na linggo kaugnay sa tumataas na bilang ng mga sabungero na naiuulat na nawawala ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa, dahil sa urgency ng isyu habang naka-regular adjournment ang Senado, ay plano niya magsagawa ng inquiry bilang bahagi ng oversight function ng kaniyang komite sa ilang government agencies.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Inihayag ito ni Dela Rosara, chairperson ng Senate committee on public order and dangerous drugs, matapos magkomento ng ilang kasamahan niya tungkol sa isyu.

Kung maalala ay sinabi nila Senate President Vicente Sotto III at Senator Panfilo Lacson na pwedeng maglunsad ng Senate probe ang committee on public order and dangerous drugs o ang committee on games and amusement.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Matatandaan noong Janaury 31 ay naiulat ng Philippine National Police na nawawala ang 26 na indibidwal na huling nakita sa ilang sabungan.