Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon para sa pagpapakansela sa Senatorial bid ng brodkaster na si Raffy Tulfo sa 2022 elections.
Inihain ng isang Julieta Pearson ang petisyon noong October 25, kung saan ay sinabi nito na nilagay ni Tulfo sa Certificate of Candidacy na kasal ito kay Jocelyn Pua Tulfo, na incumbent Representative ng ACT-CIS party-list.
Ayon kay Pearson, hindi totoong kasal si Tulfo sa mambabatas.
Iginiit rin ni Pearson na nahaharap si Tulfo sa ilang mga reklamong kriminal at isang dual citizen.
Sa siyam na pahinang desisyon ng Comelec Second Division ay sinabi na walang legal na basehan ang petisyon.
