Information drive, mahalaga sa gitna ng vaccine hesitancy na sa ilang Muslim communities – Galvez

Iginiit ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mahalaga ang pagsasagawa ng information drive sa ilang Muslim communities na tutol sa COVID-19 vaccine dahil sa kanilang mga paniniwala.

Sinabi ni Galvez na nagtungo siya sa Sumisip, Basilan para himukin ang Muslim communities na magpabakuna kontra COVID-19.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ipinunto rin ng kalihim na marami sa mga Muslim communities ang nagtatrabaho sa ibang bansa bilang OFWs.

Ayon kay Galvez, nais niyang ipaunawa sa kanila na hindi sila makalalabas ng bansa na walang bakuna.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Iginiit rin ng kalihim na magiging hadlang ang pagiging unvaccinated sa Hajj, dahil required na ang vaccine certificate sa ilang bansa.

Ang Hajj ay ang key pillar ng Islam, na isang annual pilgrimage na ginagawa ng mga Muslim sa Mecca, Saudi Arabia.