Senate Minority Leader – pinuna ang naging pagtawag ni VP Duterte sa kanyang sarili bilang ‘designated survivor’

Nilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na ‘designated successor’ naman talaga kung maituturing sa ilalim ng batas si Vice President Sara Duterte.

Ngunit sa kabila nito, binigyang-diin niyang hindi magandang biro ang pagsabi ni Sara na isa siyang ‘designated survivor’ lalo na’t ginamit niya ito sa konteksto ng paparating na State of the Nation Address (SONA).

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Alinsunod nito, nanawagan ang senador sa komite ni Senador Robin Padilla na bigyang-pansin ang pagsulong sa succession bill na kanyang isinusulong.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Maalala, layunin ng nasabing panukalang batas na tukuyin ang papalit sa Pangulo kung sakaling maging incapacitated ito o mamatay.