PNP, dumistansiya sa naging pahayag ni VP Duterte na itinalaga ang sarili bilang ‘designated survivor’

Dumistansiya ang Philippine National Police sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na itinatalaga niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor”

Binanggit ito ni VP Duterte kasunod ng pahayag na hindi siya dadalo sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Kapag sinabing “designated survivor”, ibig sabihin, ikaw ang papalit sakaling may masamang mangyari sa Pangulo.

Sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, “no comment” sila sa pahayag ni Duterte.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Tiniyak din ni Fajardo na nakahanda ang PNP sa seguridad sa papalapit na SONA.

Sa katunayan, all systems go na ang Pambansang Pulisya katuwang ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard at walang namomonitor na seryosong banta sa kasalukuyan.