BNFM Bicol- Naging matagumpay ang isinagawang operasyon ng kapulisan sa pag aresto sa 8TH Most Wanted sa Bicol sa pinagsanib na pwersa ng Viga Municipal Police Station katuwang ang Regional Special Operating Unit 5 (RSOU5) at Catanduanes 1st Police Mobile Force Company (Cat 1st PMFC) nitong nakaraang araw.
Ayon sa ulat, ang nasabing suspek ay matagal nang tinutugis dahil sa mga mabibigat na kaso ng pang-aabuso. Sa oras ng pag-aresto, ipinaalam ng mga pulis ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon gamit ang diyalekto na naiintindihan niya. Matapos ito, dinala siya sa Viga District Hospital para sa pisikal at medikal na pagsusuri, alinsunod sa tamang proseso ng pag-aresto upang matiyak ang kanyang kaligtasan at karapatan.
Samantala ang pagkaka-aresto sa Most Wanted ng Bicol ay isang malaking hakbang patungo sa pagkamit ng hustisya. Patuloy ang kanilang suporta sa mga pulisya at umaasa silang mas marami pang krimen ang malulutas sa pamamagitan ng pagtutulungan ng buong komunidad. ### Rumer Grant, Intern
Photo from Viga MPS