Senate Committee on National Defense – tiniyak na bibigyang prayoridad ang pagratipika sa RAA

Itinuturing din bilang ‘welcome development’ ni Senate Committee on National Defense at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang naging paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng bansa at Japan.

Ayon sa senadorm sa pamamagitan nito ay mas mapapatibay ang relasyon ng Pilipinas sa mga kalapit nitong bansa at base umano sa taya niya magpapalakas ito sa pagtugon sa anumang regional security threats.

Dagdag pa niya, halos naman din ng mga bagong vessels ng mga Philippine Coast Guard (PCG) ay nanggaling sa project funded ng Japan upang mapaigting ang maritime safety capabilities na mayroon ang bansa.

Alinsunod nito, tiniyak niyang isasama nila ang pagratipika rito sa gagawing priority agenda ng Senado para sa paparating na pagbubukas ng ikatlong regular session ngayong buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *