PGA, nagpasalamat sa NGCP sa pag-donate nito ng ilang essential supplies sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Nagpahayag ng pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) sa ibinahaging donasyon mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nito lamang lunes, Hulyo 8, 2024.

Ang donasyon ay binubuo ng 500 packs ng 5 kilo ng bigas at 500 na bote ng 510ml na mineral bottled water. Ang donasyon na ito ay ipapamahagi sa mga pamilyang apektado ng iba’t ibang kalamidad at iba pang benepisyaryo ng mga programa ng PGA.

Ang NGCP ay patuloy na sumusuporta sa pamahalaang panlalawigan, kung saan ito umano ang kanilang pangako sa mga hakbangin ng lalawigan at sa kapakanan ng mga Albayano. Ang donasyon ay tinanggap ni Provincial Administrator Divine Bañares, Provincial General Services Office OIC Engr. Elmer De Ala, Executive Assistants Candice Ivy Baria, at Janet Dequito-Bien Biron mula sa  Office of the Governor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *