Senadora – nakatanggap proposed timeline para sa people’s initiative bago mag-Pasko

Nakatanggap di umano si Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Chairperson, Senadora Imee Marcos mula sa Kamara ng proposed timeline para sa proyektong people’s initiative (PI) noong nakaraang December 23.

Sa ilalim nito ay makikitang naka-plot noong December 15 hanggang January 3 ang preparasyon at pagsasapinal ng petisyon at maging printing ng proposisyon at signature sheets.

Ito ay sinundan naman din ng pagpapaliwanag sa rationale, pagkolekta ng mga pirma, konsolidasyon at maging pagsusumite nito sa Commission on Elections (COMELEC).

Maliban pa roon ay sinundan pa ito ng iba pang hakbang hanggang sa pagsasagawa ng plebisito sa darating na June 17 at pag-iisyu ng certification of approval ng COMELEC.

Ayon kay Marcos, noong una ay hindi niya ito pinansin dahil hindi niya inaasahang totoo ito.

Ngunit maalala, naghain na kahapon ng resolusyon si Marcos na naglalayong paimbestigahan sa Senado ang alegasyon tungkol sa pagbabayad sa mga tao ng P100 para sa kampanya ng modang People’s Initiative.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *