Dave Ildefonso – kasama sa line-up ng Strong Group Athletics

Tutulong si Dave Ildefonso sa Strong Group Athletics para sa nalalapit nitong kampanya sa Jones Cup sa susunod na buwan sa Taiwan.

Ito ang naging anunsiyo ng koponan ngayong araw ng Sabado.

Inihayag naman ni Ildefenso na prayoridad niya ngayon ang makasali sa SGA upang makatulong para masungkit ang kampeanato.

Kamakailan ay naglaro ito bilang Filipino import sa KBL team na Suwon KT Sonicboom.

Huling naglaro si Ildefonso bilang bahagi ng Gilas Pilipinas sa FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *