DA, nilinaw na hindi magpapatupad ng SRP sa ilang agri-products

Hindi magpapatupad ng suggested retail prices (SRP) ang Department of Agriculture sa bigas at iba pang farm products.

Paglilinaw ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., hindi kinokonsidera ng ahensya ang pagtatakda ng SRP kasabay ng pabago-bagong presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa El Niño.

Mariing sinabi nito na sa ngayon, hindi pa nila inirerekomendang kontrolin ang presyo ng prime commodities.

Naniniwala rin umano si Laurel na ang pagse-set ng retail price para sa ilang mga goods, isang suhestiyon man ito, ay ‘counterproductive’ lalo pa kung may sapat namang supply.

Sa huli, iginiit din ng opisyal na hindi naman makikinabang ang mga konsyumer at magsasaka sa naturang sitwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *