‘Catch-up Fridays’ ng DepEd, lalarga na bukas

Magsisimula na bukas ang ipatutupad na “catch-up Fridays” ng Department of Education o DepEd tuwing araw ng Byernes bilang bahagi ng pagpapataas pa ng proficiency ng mga estudyante sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang kaninang umaga, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa, na nakapag bigay na sila ng guidelines kagabi sa mga eskwelahan sa buong bansa.

Ipatutupad ang catch up Fridays sa mga elementary, secondary at mga community learning centers nationwide.

Ang lahat ng Byernes sa buong buwan ng January ay ilalaan sa “Drop Everything and Read” o DEAR.

Ang oras na ilalaan sa cath up Fridays ay gagamitin para ma-enhance ang knowledge at skills ng mga estudyante sa pagpapaunlad ng kanilang values, health, at peace education.

Nabatid na inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang DepEd na gawin ang mga kinakailangang hakbang para mapataas ang ranggo ng Pilipinas sa Program for International Student Assessment o PISA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *