Senadora, muling nanawagan ng solusyon para sa PUVM program at hindi extension

“Ang transportasyon ay parang dugo, sirkulasyon ng bayan”

‘Ganyan inilarawan ni Senadora Imee Marcos ang importansya ng bawat pampublikong sasakyang bumabyahe sa mga kalsada.

Kaugnay nito, naniniwala siyang isang malawakang problema kung maituturing ang daing ng mga jeepney operators sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization (PUVM) program na hanggang sa ngayon ay hindi pa umano nareresolba.

Alinsunod nito, muli niyang iminungkahi ang pagkakaroon ng malawakang konsultasyon sa mga owners, drivers at commuters bilang konkretong solusyon sa problema ng PUVM.

Maalala, kamakailan, inaununsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos na sa katapusan na ngayong buwan ang deadline ng franchise consolidation at hindi na ito palalawigin pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *