Kamara, magiging patas sa ikakasang imbestigasyon sa umano’y Gentleman’s Agreement

Kumpiyansa si House Assistant Majority Leader at Zambales First District Representative Jefferson Khonghun sa kakayahan ng Mababang Kapulungan na magkasa ng patas na imbestigasyon ukol sa umano’y gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng China.

Ayon kay Khonghun, bilang mga kongresista ay tungkulin nilang alamin ang katotohanan at panagutin ang mga responsable sa anumang maling gawain.

Inaasahan aniya sa pagsisiyasat ang mga pagdinig sa testimonya ng mahahalagang partido kabilang ang mga dating opisyal ng gobyerno at diplomatic representatives.

Punto ni Khonghun, sinasalamin ng House probe ang pagkabahala sa impluwensiya ng China lalo na sa territorial dispute sa West Philippine Sea.

Sumiklab din umano ang matinding debate matapos itanggi ng dating pangulo na mayroong sikretong kasunduan na kinokontra at pinaninindigan naman ng China.

Dagdag pa ng mambabatas, sakaling mapatunayang totoo ay magkakaroon ng malawak na implikasyon ang gentleman’s agreement sa soberanya at foreign policy ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *