Senadora – iginiit na importasyon ang nagpapagutom sa bawat mamamayang Pilipino

Binigyang-diin ni Senadora Imee Marcos na ang pag-antabay at pagtulong sa mga Pilipinong magsasaka ang nakikita niyang paraan upang malabanan ang importasyon.

Anya, kung titignan kase ay hindi naman importasyon o pag-aangkat ang sagot sa kakulangan sa pagkain kundi mga Pilipinong magsasaka.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Kasunod nito, iminungkahi niyang bigyan ang mga taga-Visayas at Mindanao ng transport subsidy at maging sahod para sa mga maliliit na mambubukid at mangingisda.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Dagdag pa niya, pwede ring ipagamit sa mga kabataang magsasaka ang mga nakatiwangwang na lupa ng gobyerno upang masolusyunan ang kagutuman at mahal na bilihin ng pagkain.