Kumpiyansa si dating Philippine National Police, Chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na walang hawak na matibay na ebidensya ang Kamara laban sa kanya hinggil sa isyu ng ‘war on drugs’.
Kasunod nito, wala umano siyang nararamdamang pangamba dahil malinis ang kanyang konsensya.
Samantala, hinimok niya ang mababang kapulungan na ilabas ang mga sinasabing ‘solid evidence’ laban sa kanya upang kanya umano itong ma-counter.
Maalala, ayon sa ilang resource speaker sa quadcom hearing, sinasabing nagkaroon ng ‘reward system’ sa naging pagpapatupad ng ‘war on drugs’ kung saan dating hepe ang senador.