Ipinaliwanag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na mahalagang maisama bilang resource speaker si dating pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing drug war probe upang matiyak ang hustisya at transparency sa proceedings ng Senado.
Ito ang kanyang naging pahayag matapos ianunsyo ni dating PNP chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na iimbitahan niya sa gagawing pagdinig si Duterte para magsalita sa naging ‘war on drugs’.
Ayon kay Estrada, sa pamamagitan ng testimonyang ito ay naniniwala siyang mabibigyang-linaw ang mga naging hakbang ng nakaraang administrasyon at mabibigyan ng hustiya ang mga naapektuhang partido.
Maalala, ayon kay Dela Rosa, maliban sa dating Pangulo ay iimbitahan din niya ang mga naging gabinete nito noon.