Senador, nanawagan sa mga awtoridad na makipagtulungan sa LGUs matapos ang bagong POGO raid

Ipinunto ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na malinaw lang na ipinapakita ng bagong raid sa 3D Analyzer Information Technologies Inc. na hindi pa tapos ang laban ng bansa sa pagpuksa sa illegal activities.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Kasunod nito, nanawagan siya lahat ng awtoridad na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang maalis ang lahat ng illegal na Philippine Offshore Gaming Operator.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Maalala, ang nasabing POGO company ay apat na kilometro lang ang layo mula sa institusyon ng Senado at di umano’y sangkot ito sa love scam.