Nadakip ng recovery team ng Bureau of Corrections at PNP sa Calamba, Laguna ang isang puganteng nakatakas sa New Bilibid Prison.
Kinilala ang nadakip na si Ramon Balcala, na tumakas sa kanyang piitan noon Agosto.
Ang 39-anyos na pugante ay tubong Tacloban at nakasuhan ng Homicide.
Sa kasalukuyan, nakapiit ng muli ang suspek sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.