Ambitious spending programs ng pamahalaan, matututukan na umano bunsod ng paghupa ng inflation

Inihayag ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na mas mabibigyan ng pagkakataon ang pamahalaan na isulong ang “ambitious spending programs” sa economic at social services.

Ikinagulat kasi nito ang paghupa ng inflation sa four-year low na 1.9 percent para sa buwan ng Setyembre.

Sinabi ni Salceda na mapaghahandaan din ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang adjustment sa interest rate levels ng US Federal Reserve System at iba pang central banks.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ipinaliwanag ng kongresista na ang mabagal na food inflation ay dulot ng malawakang pagbaba ng inflation rate sa prutas at gulay at bahagyang pagbaba ng presyo ng isda.

Naitala rin aniya sa “negative” ang inflation ng asukal na ang indikasyon ay maaaring bumabalik na sa normal ang presyo.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Gayunman, ipinunto ni Salceda na kailangang maging mapagmatyag sa rice inflation dahil nasa 5.7 percent pa rin ang bigas.

Maaaring makatulong umano ang harvest season ngayong buwan upang maibaba ang antas at dapat na bantayan din ang presyo ng mais na nasa 6.9 percent na inflation bunsod ng kahalagahan nito bilang input sa karne, poultry at isda.