Senador, iminungkahing isama sa imbestigasyon ng Senado ang ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga

Ipinunto ni Senador Lito Lapid na marapat lang na makapagsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Ito ay alinsunod sa natuklasang Chinese military uniform dito at maging ang pagkaaresto ng di umano’y tumatayong torture master sa naturang hub.

Kaugnay nito, nanawagan siya sa mga kapwa kasamahan niya sa Senado na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng tauhan ng Presidential Anti-Crime Commission (PAOCC) sa nasabing hub sa Pampanga.

Anya, marapat lang na matukoy ang tunay na taong nagmamay-ari ng lupa at maging gusali na ginamit sa POGO upang malaman ang katotohanan kung sino ang nasa likod nito.

Samantala, nanawagan naman din siya sa media na maging balanse at responsable sa pagbabalita rito upang maiwasan ang pagkadamay ng mga indibidwal na walang naming kinalaman sa isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *