Karagdagang 89 na plantilla positions sa National Museum, aprubado na ng DBM

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagdaragdag ng 89 na plantilla position sa National Museum.

Ito ay bilang pagkilala sa mahalagang papel ng museo sa cultural heritage at kasaysayan ng bansa.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang pagbubukas ng mga bagong posisyon ay magpapalakas sa operasyon ng National Museum para makapag bigay ng mas maayos na serbisyo.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos din umano ang nagnais na isama sa national agenda ang pagpapalakas ng turismo at pangangalaga sa ating pagkakakilanlan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *