Senador Go, suportado ang fixed monthly risk allowance para sa HCWs

Nangako si Senator Cristopher Bong Go na mapopondohan sa ilalim ng 2022 national budget ang fixed Special Risk Allowance (SRA) para sa lahat ng public at private healthcare workers na pisikal na nagre-report sa mga ospital sa gitna ng pandemya.

Tiniyak ni Go, chair ng Senate committee on health, na susuportahan nito ang proposal para sa mga measures na magtitiyak na hindi matitigil ang probisyon ng SRA at iba pang mga benepisyo sa health workers.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Hinimok naman ng senador ang mga otoridad na bigyan ng flexibility ang implementasyon ng mga probisyon ng Bayanihan to Recover as One Act, na nagbibigay ng legal na basehan para sa probisyon ng SRA.

Iginiit ni Go na kapag dumating na sa Senado ang national budget, ay hahanap siya ng paraan para hanapan sila ng pondo para sa susunod na taon.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Inihayag ni Go na ayaw niyang bumaba ang morale ng mga health workers, at lagi niyang ipaglalaban ang kabutihan ng mga ito.

Kamakailan ay sinabi ng Department of Health na iminungkahi nito sa Department of Budget and Management (DBM) ang P50.4billion na pondo para sa SRA, hazard pay, transportasyon, insurance, at accomodation o meals ng 365,000 na public at private healthcare workers sa loob ng 12 buwan.