Libo-libong mga indibidwal, na-displace dahil sa bagyong Jolina

Pumalo sa 83,650 na indibidwal o 20,777 na pamilya ang naapektuhan ng Tropical Storm Jolina sa Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at National Capital Region.

Base ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sinabi ng mga otoridad na dahil sa bagyo ay umabot sa tinatayang 7,538 na katao o 1,943 na pamilya  ang dinala sa evacuation centers.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Dagdag nito, ay nasa 2,291 na katao o 509 na pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa temporary shelter o sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Makikita rin sa ulat na pumal sa 3,843 na kabahayan ang napinsala kabilang na ang 3,545 na partially damaged at 298 na totally damaged, sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Tinatayang nasa mahigit P206.11-million na pinsala sa agrikultura naman ang naitala sa mga parehong rehiyon.

Sa Mimaropa at Bicol ay sinabi ng NDRRMC na naitala ang mahigit P206-million na pinsala sa imprastraktura kung saan ay naging impassable ang tinatayang 11 daanan at 3 tulay.