Napilitan ang mga senador na ibato ang karamihan ng mga tanong nito sa mga opisyal ng Pharmally matapos pagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Gabinete na dumalo sa Senate inquiries.
Kasama sa mga hindi dumalo sa huling hearing ng Senado kaugnay sa overpriced COVID-19 supplies ay sina Health Secretary Francisco Duque III at dating budget secretary Christopher Lloyd Lao.

Bukod sa mga opisyal ng Pharmally ay present sa pagdinig sina Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Ceasar Dulay, mga opisyal ng Bureau of Customs, Civil Service at Commission on Audit Chairman Michael Aguinaldo.
Gayunman, nag-offline naman si Dulay sa gitna ng hearing.