Hindi pa rin umano kuntento si Senadora Risa Hontiveros sa mga pahayag na binitawan ni Alice Guo sa kanilang naging executive session kahapon.
Pero ayon sa senadora, may nabanggit si Guo na isang mahalagang personalidad na nagpapatibay ng kanilang teoryang ibinahagi sa Komite, isang buwan na ang nakakalipas.
Samantala, bilang nagsilabasan din ang mga larawan kahapon ng ilang PNP officials kasama ang mga POGO personalities, binigyang-diin ng senadora na mahalagang mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na makapagsalita.
Maalala, gumugol din ng ilang minuto kahapon ang Senado para makumbinsi si Guo na sumailalim sa executive session upang mapangalan ang taong ‘most guilty’ sa likod ng POGO controversy.