Tulong sa mga Pinoy sa Lebanon – tiniyak

May mangilan-ngilan nang mga Pilipino sa Lebanon ang nagpasaklolo at sumilong sa mga temporary shelters sa Lebanon.

Sa gitna pa rin ito ng nagpapatuloy na conflict sa pagitan ng Israel at Hezbollah.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac – sinabi nitong ligtas pa rin ang mga Pilipino sa ngayon.

Hindi rin umano apektado ang kanilang mga trabaho lalo na’t mayorya sa mga overseas Filipino workers (OFWs) doon ay mga household workers.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Sa ngayon, handa umano ang tulong ng DMW, kasama ang OWWA, at iba pang ahensya ng Gobyerno para sa mga nais magpa-repatriate na ating mga kababayan pabalik dito sa Pilipinas.